- 1. Ano ang kasing kahulugan ng balita
- 2. Kapag sinabing N.E.W.S ito ay?
A) Nation of East World Station B) Name to Entertain a World itSelf C) No Easy Way to Say na pagbibigay impormasyon D) North, east, west, south na pagbabalita
- 3. Ano ang wikang ginagamit para may masabing may pagbabago sa wikang Pilipino
A) Text languange B) Bagong wika C) Katext messaging D) Modernong wika
- 4. Wika ang pinag-uusapan, ano ang dpaat gamiting wika ayon sa unang kinapanayam?
A) Barayti B) Tagalog C) Pilipino D) Ingles
- 5. Ano ang salitang ginamit sa bagay na pinag-uusapan sa balita bilang kalutasan sa isyu ng suliranin ng publiko sa pagbabyahe.
A) Bagon B) Eroplano C) Tren D) Barko
- 6. Ano ang binanggit na salitang tumutukoy sa isang lugar na pinupuntahan ng mga tao kaugnay sa transportasyon
A) Airport B) Terminal C) Transportation D) Express way
- 7. Freelance wedding photgrapher ang kinapanayam, ang trabaho niya ay nauugnay sa ____ na okasyon
A) Ballroom B) Party C) Event D) Wedding
- 8. Ayon sa balita, sa mga kinapanayam na kahit hindi nakalinya ang kanilang ____ ay nagagawa parin nilang kumita sa ibang laraan.
A) Edukasyon B) Gawain C) Propesyon D) Trabaho
- 9. Ang mga wikang binanggit sa panayam ay tungkol sa pagkakaiba ng wikang
A) Bisaya at tagalog B) Ingles at Pilipino C) Tagalog at Pilipino D) Filipino at rehiyunal
- 10. Ang tawag sa kinahihiligan natin sa internet
A) Youtube B) Netflix C) Social media D) Facebook
- 11. Saan ginagamit ang salitang netizen?
A) Diyaryo B) Social media C) Radyo D) Telebisyon
- 12. Ito ay kalagayan ng Wikang Pilipino sa social media, maliban sa?
A) Gumagamit ng iba't ibang barayti ng wika B) Laganap ng pagpapaikli ng mga salita C) Gumagamit ng iba't ibang simbolo ng wika D) Laganap ng code switching
- 13. Kung nasa malayo ang isa't isa, ito ay maituturing na biyaya na maaaring makapagpadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan at mahal sa buhay
A) Youtube B) Internet C) Netflix D) Microsoft
- 14. Bakit tinatangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng social media.
A) Dahil sa ito ay nasa internet B) Dahil sa kagandahan nito C) Dahil sa mga aplikasyon nito D) Dahil sa mga larawan nito
- 15. Ang mga nauusong salita na tinatangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng lol, skl, sml ay tinatawag na;
A) Code switching na mga salita B) Pagmamali ng mga salita C) Pagpapalit ng mga salita D) Pagpapaikli ng mga salita
- 16. Ang mga makbuluhang bagay na naidudulot ng internet sa mamamayan ay ang mga sumusunod, maliban sa;
A) Napalagaan ang buhay B) Napauuso ang fake news C) Napapabilis ang komunikasyon D) Napapadali ang pag-aaral
- 17. Sa mundo ng social media ito ang kahulugan ng salitang ILY
A) I love you B) I like you C) I'll lose you D) I'll leave you
- 18. Kilala bilang sine na pinakakilala at abot kayang uri ng libangan ng lahat ng uri ng tao sa lipunan
A) Pelikula B) Dulang Pilipino C) Netflix D) Youtube
- 19. Ay hango sa salitang griyego 'drama' nangangahulugang gawin o kilos
A) Youtube B) Netflix C) Dulang Pilipino D) Pelikula
- 20. “You don’t have to, wag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako, because that is what I deserved…” (Mia – Barcelona – A Love Untold). Anong wika ang ginamit sa pahayag?
A) Tagalog B) Code switching C) Ingles D) Barayti ng wika
- 21. Ano ang nais ipahiwatig ng karakter ni Jenny sa pelikulang Milan nang sabihin niya kay Lino na “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”
A) Nais niyang malaman kung tapat ang pag-ibig ni Lino sa kanya. B) Nagdududa siya kung ginagamit lang ba siya ni Lino bilang kasintahan C) Gusto niyang alamin kung may kailangan pa si Lino para matulungan niya D) Nalilito siya kung mahal ba siya ni Lino o kailangan lang siya nito dahil natutulungan niya ito
- 22. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos…” Anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa pahayag?
A) Pakikipagkapwatao B) Bayanihan C) Senakulo D) Pananampalataya
- 23. Ang ang tema at mensahe ng pamagat ng dulang Pilipino na Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar?
A) Pagtanggap at pagpapatawad sa miyembro ng pamilya B) Lahat ng nabanggit C) Pamahalaan sa loob ng pamilya D) Pagkakaroong ng unawaan sa kakulangan ng isa't isa
- 24. Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang Probinsiyano, Kara Mia, at Kadenang Ginto.
A) Napapaunlad at at gumagamit ng rehiyonal na wika ang mga Pilipino B) Natututo ang mga dayuhan sa paggamit ng wika C) Napapaunlad at napapayaman ng mga Pilipino ang ating wikang Filipino D) Maraming Pilipino ang tumatangkilik sa Wikang dayuhan
- 25. Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at
Sahaya ay mga programa sa telebisyon na tinatawag na;
A) Magazine show B) News and public affair C) Telenobela D) Dula
- 26. Paano ipinakita ng mga tauhan ang aspektong linggwistiko o gamit ng wika sa lipunang ginagalawan sa loob ng kulungan sa dulang Pilipino na “Sinag sa Karimlan”
A) Paggamit ng diyalekto sa pakikipag-ugnayan sa kapwa B) Impormal na tinatangkilik ng masa C) Mga dayuhang wika ang ginamit D) Matatalinhagang wika ng ginamit
- 27. Ang pagsunod sa mga pamantayan na inilalabas ng DepEd, CHED at ng KWF ay makatutulong sa mag mag-aaral upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng Ingles upang mas maunawaan nila ang mga aralin na pinag-aaralan. Anong klaseng Sitwastyon Pangwika ito?
A) Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon B) Sitwastyong Pangwika sa Pamahalaan C) Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
- 28. Sa mga tanggapan ng malalaking kumpanya na tinatawag na multinational companies wikang Ingles din ang higit na ginagamit. Maging ang mga inilalabas na memo, kontratang pinapipirmahan at mga liham-pangangalakal ay nakasulat sa wikang Ingles. Anong uri ng Sitwasyong Pangwika ito?
A) Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon B) Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan C) Sitwasyong Pnagwika sa Kalakalan
- 29. Sa kasalukuyan, wikang Filipino na rin ang ginagamit sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan subalit may mga pagkakataon na gumagamit ng code switching ang mga nanunungkulan sa gobyerno lalo na kapag teknikal ang mga salita o sadyang walang mahanap na katumbas nito sa Filipino. Anong klaseng Sitwasyong Pangwika ito?
A) Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon B) Sutwasyong Pangwika sa Pamahalaan C) Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
- 30. Tinatawag ding piguratibo ang?
A) Pigurasyon B) Diyalekto C) Salita D) Dila
- 31. Tinatawag ring diyalekto ang salitang?
A) Piguratibo B) Dila C) Lingo D) Salita
- 32. Ano ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika?
A) Pormal at di pormal B) Impormal at di pormal C) Pormal at impormal
- 33. Salitang ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika
A) Pormal B) Impormal C) Di pormal
- 34. Salitang madalas gamitin sa pang-araw
A) Impormal B) Pormal C) Di pormal
- 35. Ano ang dalawang uri ng pormal?
A) Pampanitikan o panretorika B) Pambansa o karaniwan C) Lalawiganin o balbal
- 36. Ano ang tatlong uri ng impormal ?
A) Lalawiganin, balbal, barayti ng wika B) Lalawiganin, balbal, kolokiyal C) Probinsiyanin, balbal, kolokiyal
- 37. Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon?
A) Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon B) Bumoto ng tama at nang taong karapat-dapat C) Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa D) Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo
- 38. Bakit ingles ang wikang ginagamit sa mga website?
A) Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles B) Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa mga website C) Ingles ang itinuturing na universal language
- 39. Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?
A) Wikang tagalog upang madali itong tandaan at gawin B) Poniy ang mag-aaral kaya't Filipino ang wikang gagamitin C) Gumagamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat ng mga mag-aaral at magulang
- 40. Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
A) Buy 1 take 2 B) Big SALE! C) Pwede utang D) Bagsak-presyo!
- 41. Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?
A) Paggamit ng wikang Filipino B) Paggamit ng Pilipino C) Paggamit ng diyalekto sa ugnayan
- 42. Sa pamagat na “Kalagayang Pangwika sa Panahon ng Modernisayon” mahihinuha natin na ang nilalaman nito ay ____?
A) Pagkakaiba ng teknolohiya sa panahon ngayon B) Pagbibigay ng impormasyon gamit ang teknolohiya C) Paglalarawan sa teknolohiya
- 43. Sa pagsulpot ng iba’t ibang barayti ng wika, matutukoy na ang wika ay____.
A) Mahalaga at makabuluhan B) Patuloy na umuunlad C) Bunga ng makabagong panahon
- 44. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
A) Register B) Sosyolek C) Diyalek D) Etnolek E) Idyolek
- 45. Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
A) Sosyolek B) Etnolek C) Idyolek D) Register E) Diyalek
- 46. Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
A) Etnolek B) Sosyolek C) Diyalek D) Register E) Idyolek
- 47. Ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
A) Sosyolek B) Register C) Diyalek D) Idyolek E) Etnolek
- 48. Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
A) Sosyolek B) Idyolek C) Register D) Diyalek E) Etnolek
- 49. (Aha! Ha! Ha! Nakakaloka) anong uri ng barayti ng wika ito?
A) Sosyolek B) Diyalek C) Idyolek
- 50. Sa tagalog ay ( bakit ) sa bisaya ay ( bakit ngay ). Anong uri ng barayti ng wika ito?
A) Diyalek B) Register C) Idyolek
- 51. (My God its so mainit naman dito?) Anong uri ng barayti ng wika ito?
A) Etnolek B) Register C) Sosyolek
- 52. Vakul – tumutukoy sa mga gamit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan. Anong uri ng barayti ng wika ito?
A) Register B) Sosyolek C) Etnolek
- 53. Ang salitang Printer at Lesson plan ay anong klaseng barayti ng wika.
A) Sosyolek B) Register C) Etnolek
- 54. Ang salitang lingo at jejemon ay tinatawag ring?
A) Mellennial word B) Bagong salita C) Barayti na mga salita
- 55. Isa sa halimbawa ng pagpapaikli at pagkakaltas ng salita sa text ay?
A) God bless you o GBU B) Always a pleasure o AAP C) D2 na me
- 56. Isa sa halimbawa ng paghahalo-halo ng Ingles at Filipino ay?
A) Wr n U? B) HVU C) Muztah?
- 57. Ano ang dapat pag-ingatan sa pagbabalita sa radyo at telebisyon?
A) Anyo ng balita B) Katayuan ng tao C) Gamit na salita
- 58. Paanong paraan napauunlad ng panahon ang wikang Filipino?
A) Pagpapakalat ng balita sa mundo B) Pag-usbong ng bagong wika C) Pagkakaroon ng bagong mananakop
- 59. Ano ang makabagong gamit ng tao sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa tao?
A) Telebisyon B) Panayam C) Pahayagan D) Social media
- 60. Ano ang nangyayari sa isyu kapag nagkamali ng gamit ng salita sa pagbabalita?
A) Pagkakaisa ng tao B) Kontrabersyal C) Intriga
- 61. Kanino o saan mas pinaniniwalaan ang gamit ng salita sa pagpapahayag?
A) Sa usapan B) Sa kilalang tao C) Sa pagbabalita
|